Autopsy, isinasagawa ng forensic team ng Public Attorney’s Office sa labi ni Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Sumasailalim pa sa forensic analysis ang labi ng 14 anyos na si Reynaldo de Guzman alias Kulot. Ito ang iniulat ni PAO Chief Persida Acosta.

Tumanggi naman mag-komento si Acosta sa ginawang pag-amin ng ina ni kulot sa isang Media interview na holdaper ang kaniyang anak.

Nabanggit umano sa kaniya ng kaibigan ng anak niya na si MJ na natanong niya kung saan pupunta si Kulot.


Ang sagot ni Kulot ay manghoholdap sila ng taxi.

Sinabi ni Acosta na lito pa ang isip ng ina ni Kulot dahil sa matinding pighati kung kayat kung ano-ano ang naikukuwento.

Si de Guzman ang huling kasama ni Marc Angelo Armaiz nang gabi na mapatay ito matapos manlaban sa mga pulis.

Facebook Comments