Hinihintay na lamang ang paglabas histopathology report upang maisapinal ang resulta ng autopsy report ni Bree Jonson.
Ang histopathology report ay ang pagtukoy sa mga pre-existing o mga iniindang karamdaman ng isang indibidwal.
Sa interview ng RMN Manila kay Police Regional Office 1 Public Information Chief Police Lieutenant Colonel Jun Mangelen, malalaman sa histopathology report kung may karamdamang nakaapekto sa pagkasawi ni Jonson.
Base sa inisyal na autopsy report ay asphyxia o pagkaubos ng hininga ang naging cause of death ni Jonson kung saan nagpositibo rin ito sa ipinagbabawal na droga na cocaine.
Siniguro naman ni Mangelen na tinutukan nila ang kaso ng pagkamatay ni Bree Jonson kung saan pinaghihinalaang sangkot ang boyfriend nitong si Julian Ongpin sa naturang trahedya.