Aabot na sa mahigit ₱4.5 milyon ang average na budget ngayong taon ng bawat barangay sa buong Pilipinas.
Inihayag ito ni John Aries Macaspac ng Local Government and Regional Coordination Bureau ng Department of Budget and Management (DBM), sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government na pinamunuan ni Senator Francis Tolentino.
Ang tumaas na budget para sa mga barangay ay bunga ng desisyon ng Korte Suprema sa Mandanas case na nag-uutos na bigyan ang lokal na pamahalaan ng 40% ng lahat ng national taxes na kinukulekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BuCor).
Lumabas sa pagdinig na ngayong taon ay mahigit 959 bilyong piso ang magiging national tax allotment o budget para sa mga lokal na pamahalaan.
Ang mahigit 191.81 bilyong piso o 20% sa nasabing halaga ay ilalaan sa 41,933 barangay sa buong kapuluan.