Kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine, pinapatiyak ng isang senador

Para kay Senator Joel Villanueva, masyado pang maaga para matukoy ang epekto sa ating ekonomiya ng girian sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Diin ni Villanueva, ang pinaka-importanteng bagay ngayon ay ang masiguro ang kaligtasan ng mahigit 300 na mga Pilipino sa Ukraine.

Sa ngayon ay nakatutuok din si Villanueva sa sitwasyon sa Ukraine.


Ayon kay Villanueva, importanteng case study ito kung paano tutugon ang bagong Department of Migrant Workers (DMW) sa mga ganitong sitwasyon.

Facebook Comments