Bumaba na sa 2,000 ang average COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, bumaba sa 1,930 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kada araw sa loob ng isang linggo average mula sa dating 2,172 seven-day average.
Maliban dito, bumaba na rin ang reproduction number sa 0.65 habang ang positivity rate ay nasa 14 percent.
Sabi pa ni David, nakitaan din ng pagbaba ng kaso sa Navotas at Malabon na nasa moderate risk habang nananatili sa high risk o borderline high risk ang ilang Local Government Unit (LGUs).
Facebook Comments