Patuloy na bumababa ang naitatalang COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Batay sa OCTA Research Group, umaabot na lamang sa 829 ang naitatalang kaso kada araw sa Metro Manila mula Hunyo 9 hanggang 15 na 13% na mababa sa nakalipas na linggo.
Katumbas ito ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na anim kada 100,000 populasyon kaya ang Metro Manila ay nasa moderate risk classification.
Ang reproduction number naman sa NCR o bilis ng hawaan ay nasa 0.69.
Mayroon din ang NCR na 8% positivity rate, 35% hospital bed occupancy, 46% Intensive Care Unit (ICU) bed occupancy, at 33% mechanical ventilator occupancy na nasa safe levels.
Ang lahat ng Local Government Units (LGU) sa Metro Manila ay maituturing ng nasa moderate risk kung saan ang Navotas ang may pinakababang ADAR, sinundan ng Marikina, Caloocan, at Malabon.
Habang ang Pateros ay may pinakamababang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.