Average daily average number sa NCR, tumaas ng 65%

Aabot sa 65% ang pagtaas ng average daily average number ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ngayong linggo at bago pa ipatupad ng paghihipit sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, pumalo sa 1,535 ang mga bagong COVID-19 cases sa NCR mula July 27 hanggang August 2, na mas mataas kumpara sa 928 na mga kaso mula July 20 hanggang 26.

Mataas din ang mga nabanggit na numero kumpara sa naitalang mga bagong kaso noong July 13 hanggang 19 na nasa 710, at 639 naman noong July 6 hanggang 12.


Ang muling pagsasailalim ng NCR sa ECQ ay epektibo ngayong biyernes (August 6) hanggang August 20.

Facebook Comments