Average daily COVID-19 cases sa Metro Manila, umabot na sa halos 900 – OCTA Research

Patuloy na tumataas ang average number ng COVID-19 cases per day sa National Capital Region (NCR).

Sa datos ng OCTA Research mula July 18 hanggang 24, aabot na sa 897 cases per day ang naitala sa NCR.

43% itong mataas kumpara sa 627 cases per day noong July 11 hanggang 17.


Nasa 1.29 ang reproduction number sa Metro manila, nangangahulugang tumataas ang COVID-19 infection sa rehiyon.

Nananatiling ‘moderate’ ang positivity rate na nasa 7%.

Ang average daily attack rate (ADAR) na nasa 6.5 cases per 100,000 population.

Ang ICU utilization sa Metro Manila ay ‘low’ na nasa 45%.

Sa kabuoan, ang Metro Manila ay nananatiling nasa “moderate risk” ng COVID-19.

Facebook Comments