Posibleng umabot sa 2,200 ang pinakamataas na maitatalang average na arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Disyembre.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay kung magpapatuloy ang non-compliance ng publiko sa mga health protocols ngayong holiday season.
Pero kung patuloy naman aniyang susunod ang publiko sa minimum public health standards ay tinatayang nasa 429 cases lamang ang maitatala ng bansa.
Samantala, inihayag naman ni Vergeire na hindi pa rin naaabot ng DOH ang target na 50% eligible population na maturukan ng COVID-19 first booster shot.
Sa ngayon, 26% palang aniya ang nakatanggap ng booster shot habang 49% naman, sa target na 60%, ang naturukan na sa hanay ng mga kabataan.
Facebook Comments