Pagdedeklara ng ceasefire ngayong Pasko sa NPA, pinapaubaya na ng PNP sa Palasyo

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumalima kung ipag-uutos ng Malacañang ang tigil-putukan laban sa New People’s Army (NPA).

Ito ang binigyang diin ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Aniya, palagi namang nagrerekomenda ng ceasefire sa mga rebelde ang PNP lalo na ‘tuwing magpapasko, pero ipinauubaya na nila sa nakatataas ang pagpapatupad nito.


Apela ng PNP chief sa NPA, sumunod sa ceasefire.

Madalas kasi na ang NPA ang lumalabag sa ‘twing nagpapatupad ang pamahalaan ng tigil putukan.

Facebook Comments