Average na kaso ng COVID-19 kada araw sa nakalipas na linggo, halos 600 na lamang

Mula Marso 7 hanggang Marso 13, 2022, 3,406 na bagong kaso ang naitala sa bansa.

Nangangahulugan ito na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 590.

Ito ay mas mababa ng 35% kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 28 hanggang Marso 6.


Sa mga bagong kaso, 3 o 0.07% ang kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan.

Samantala, 591 naman ang mga bagong binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

1,006 naman na kritikal na COVID patients ang naka-admit sa mga ospital noong Marso 13.

Sa 3,598 naman ICU beds para sa COVID-19 patients , 704 o 19.6% ang okupado.

Samantala, 17.2% ng 27,021 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyang ginagamit.

Sa kabila nito, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag maging kampante at sa halip ay ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.

Facebook Comments