4 na Barangay sa Muntinlupa City, wala ng aktibong kaso ng COVID-19

Apat na barangay na sa Muntinlupa City ang wala ng aktibong kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang Brgy. Ayala Alabang, Brgy. Cupang, Brgy. Buli, at Brgy. Sucat.

Kinumpirma rin ni Muntinlupa City Health Office acting Chief Dr. Juancho Bunyi na wala na ring COVID patient na naka-confine sa Ospital ng Muntinlupa.


Habang 15 na lamang aniya ang aktibong kaso ng infection sa buong lungsod at mga nagpapagaling na lamang.

Habang mula nitong Marso ay wala na ring naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Facebook Comments