Average ng naitatalang bagong kaso sa Pilipinas, umabot na sa mahigit 15,000

Umabot sa 15,537 ang average na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw mulang August 19 hanggang 25.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Chief ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mas mataas na ang naturang bilang kumpara sa peak o rurok ng mga kaso noong March 29 hanggang April 4 na umabot sa 10,431.

Sinabi rin ng DOH na posibleng lumagpas pa sa 15,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw habang patuloy ang cotact tracing.


Sa Metro Manila at patuloy din ang pagtaas ng average daily cases na umakyat na sa 4,105 noong August 19 hanggang 25.

Mas mataas ito ng 16% kumpara sa naitala noong August 12 hanggang 18 pero mas mababa sa naitala sa National Capital Region (NCR) noong March 29 hanggang April 4 na umabot sa 5,536.

Facebook Comments