AVIAN FLU VIRUS, NAITALA SA CAUAYAN CITY; 200 PAITLUGING MANOK, NAMATAY

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng Avian flu virus o H5N1 ang Lambak ng Cagayan na tumama sa brgy. Marabulig, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay RD Edillo, nakita ang nasabing sakit sa isang backyard layers na kung saan nasa 200 na paitluging manok ang namatay habang ang natirang 100 na buhay ay naibenta na ng may-ari.

Nitong nakaraang Linggo lamang aniya nakumpirma ang peste sa mga alagang manok matapos magpositibo sa isinagawang pagsusuri ng Integrated Laboratory sa Tuguegarao City.

Facebook Comments