Kasalukuyan ngayon ang pagpupulong ng Avian Influenza Task Force ng Rehiyon Dos upang matugunan ang banta ng Avian Flu dito sa Cagayan Valley.
Ang naturang pulong ay dinaluhan ng mga Provincial LGUs ng rehiyon sa pamamagitan ng mga provincial veterinarians, Department of Health(DOH), National Meat Inspection Service(NMIS), Bureau of Animal IndustryI(BAI), Department of Environment and Natural Resources(DENR) at mga kasapi ng media.
Layon ng pulong ang paglalatag ng mga alituntunin at proseso upang matiyak na hindi makapasok ang Avian Flu sa Cagayan Valley mula sa katabing rehiyon ng Central Luzon.
Ang pulong na pinangunahan ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo ng Department of Agriculture ay kasalukuyang ginaganap sa Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory, Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City.
Magugunitang puspusan ang ginagawa ng Kagawaran ng Agrikultura – Rehiyon Dos na pakikipag uganayan at pulong sa mga ibat ibang ahensiya at organisasyon ukol sa mga hakbangin sa pagpapanatili ng Rehiyon Dos bilang bird flu free.