Inaalay ko ang pelikulang ito sa lahat ng mga sundalo at kanilang mga pamilya! Ito ang madamdaming naging pahayag ng Metro Manila Film Festival 2019 Best Actor Allen Dizon kasabay ng kanyang pagharap sa mga mamamahayag ng Cotabato City.
Ramdam aniya nito ang sakripisyo ng mga kasundaluhan para lamang mapagsilbihan ang bayan dagdag pa ni Dizon. Si Dizon ay gumaganap na isang Sundalo sa pelikulang Mindanao. Nagsisilbi itong Combat Medic para sa mga sugatang kasamahan at gumaganap ring isang ama ng anak na may cancer. Partner nito sa Mindanao ang tinanghal ring Best Actress na si Ms. Judy Ann Santos.
Samantala, itinatampok rin aniya sa pelikula hindi lamang ang kultura ng ilang mga taga Mindanao kundi ang tunay na pagmamahal ng isang Moro, isang Ina, Ama at maging pagmamahal sa bayan ayon pa kay Best Direct Brillante Mendoza .
Umaasa naman si Mustapha Ala Jr. ng Revita Wellnes Team at isa sa mga organizer at mismong nag-imbeta kay Direk Mendoza at Allen Dizon sa gagawing Red Carpet Premiere Night sa Alnor Cinema 1 sa Cotabato City, na sususportahan ng publiko ang pelikulang Mindanao.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba at dadalo sa Premiere Showing sa Cotabato City ang isang premyadong Movie Director maging ang mga cast nito. Gagawin ito alas syete mamayang gabi.
Award Winning "Mindanao" tampok sa puso ng Bangsamoro
Facebook Comments