Awarding ng SM College Scholarship, Isinagawa sa SM City Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Masayang idinaos sa SM City Cauayan ang Awarding ng SM College Scholarship para sa taong 2018-2019 kamakaylan.

Nasa walong estudyante ng senior highschool ang maswerteng nabigyan ng pagkakataong makakuha ng scholarship sa SM City Cauayan na galing sa iba’t-ibang paaralan sa Isabela.

Sa ginawang pagtutok ng RMN Cauayan sa naganap na Awarding ng SM College Scholarship, kitang kita ang bakas ng kasiyahan sa mga mukha ng mapapalad na mag-aaral maging ng kanilang mga magulang sa natanggap na scholarship.


Dagdag pa rito, sasagutin naman ng SM ang kanilang Tuition at miscellaneous fees, buwanang allowance at mabibigyan pa sila ng pagkakataong magtrabaho sa naturang mall kung summer at Christmas breaks.

Maari namang pumili ang mga scholars kung saang paaralan nila gustong mag-enrol at ang mga kursong maaari nilang kunin ay gaya ng BS in Accountancy, BS in Accounting Information System, BS in Internal Auditing, BS in Management Accounting, BS in Computer Science, BS in Information Technology, BS in Civil Engineering, BS in Computer Engineering, BS in Electrical Engineering, BS in Electronics and Communication Engineering, BS in Mechanical Engineering, BS in Elementary Education, at BS in Secondary Education.

Samantala, kinakaylangan umanong mapanatili ng mga scholars ang gradong 2.5 o ang General Weighted Average (GWA) na 85% pataas at makilahok sa mga aktibidad ng SM na makakatulong sa paghubog ng kanilang mga sarili gaya ng personality and value development programs at maging ang individual counseling session.

Sa kasalukuyan ay nasa limang daan na ang naitalang scholars sa buong bansa, dalawang daan dito ay mula sa NCR at ang tatlong daan naman ay mula sa provincial o sa Luzon, Visayaz at Minadanao.

Facebook Comments