SUPLAY NG BIGAS | Pangulong Duterte, iginiit na dapat puno ang lahat ng rice inventory sa bansa

Davao City – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat puno ang lahat ng imbentaryo ng bigas sa bansa.

Sa kanyang arrival speech sa Davao City, inamin ng Pangulo na nagalit siya dahil nauubos ang supply ng bigas sa National Food Authority (NFA) warehouses.

Kaya inatasan niya si NFA Administrator Jason Aquino na mag-oversupply ng bigas.


Wala aniyang problema kung so-sobra ang supply ng bigas dahil magmumura naman ang presyo nito.

Naniniwala ang Pangulo na pinagmumulan lamang ng korapsyon ang pagkakaroon ng quota sa rice imports.

Facebook Comments