AWARENESS | Emma Watson, tutulong sa UK film industry para lumantad ang mga biktima ng sexual abuse

Amerika – Plano ngayong tulungan ni Hollywood actress Emma Watson ang United Kingdom (UK) film industry para lumantad ang mga biktima ng sexual abuse.

Ito ay matapos maglabas ng guidelines ang British Film Industry (BFI) at British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) para matulungan ang mga nasa industriya na maglakas loob na lumantad.

Nabatid na maglalagay ng 24/7 na hotline sa buwan ng Abril ang BFI at BAFTA kung saan mismong ang British actress ang sasagot.


Naisip nila ang ganitong klase ng paraan matapos na maraming mga celebrities sa Hollywood ang lumantad nang sila ay nakaranas ng pang-aabuso sa mga iba’t-ibang film producers at executives.

Facebook Comments