BAOG DAW? | Lovi Poe, ipinagtanggol ang kaibigang aktres na si Heart Evangelista

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ngayon ng aktres na si Lovi Poe ang kaibigang si Heart Evangelista hinggil sa isyu ng pagiging daw baog nito.

Nabatid kasi na nag-celebrate ng kanilang third wedding anniversary si Heart at mister na si Senator Chiz Escudero kaya’ naungkat na naman ang usapin kung bakit wala pa din silang anak.

Ayon kay Lovi, choice ng mga babaeng gaya niya at ni Heart kung gusto na nilang magka-baby o hindi kaya’t wapakels na lang daw ang iba tao.


Say pa ni Lovi, hindi dapat ma-bashed or pag-usapan ang ganitong kaselang isyu dahil alam ng bawat isang babae kung sila daw ay prepared o hindi para magkaroon ng anak.

Matatandana na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng palitan ng salita si Heart at isang basher nang kuwestyunin ng netizen ang kakayahan ng aktres na magbuntis.

Facebook Comments