Away-kalye ng mga estudyante sa Camarines Sur, na-hulicam

1998
Screenshot captured from Opinyon Bicol's video on Facebook.

Kumakalat ngayon sa social media ang bidyo ng sagupaan ng mga babaeng estudyante sa labas ng paaralan sa Camarines Sur.

Makikita rito ang dalawang mag-aaral na nagsasabunatan at nagtutulakan habang pinapanood ng mga kapwa nila estudyante.


Makalipas ang ilang minuto, nakisali na rin ang isang dalaga sa pambubugbog ng balingkinitang mag-aaral.

Pero sa halip na awatin, maririnig pa ang ilang palakpakan at hiyawan ng mga batang nanonood.

Batay sa Facebook post ng Opinyon Bicol, nag-aaral ang mga ito sa Nabua National High School.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng paaralan ang naturang insidente.

Pagtitiyak ng pamunuan, mahaharap sa kaukulang parusa ang mga estudyanteng sangkot sa gulo.

Facebook Comments

From Advertisers