Nauwi sa saksakan ang away ng magkakamag-anak sa bayan ng Brgy. Libsong East Lingayen, Pangasinan.
Sa panayam kay Brgy. Kagawad Sally Fernandez, muli sana umanong magkakaroon ng hearing ang mga ito sa nauna nang alitan bagamat nangyari ang insidente.
Makikita sa CCTV ang pag-atake ng isang lalaki na siyang complainant kasama ang kanyang ama, laban sa kanyang tatlong pinsan.
Dito na nag-umpisa ang tila rambulan sa labas ng barangay hall na agad sinubukang awatin ng mga residente.
Nagtamo ng saksak ang mag-ama dahilan upang isugod ang mga ito sa pagamutan.
Ani Fernandez, wala umano silang nakitang patalim sa pinsan na babae na siyang hinihinalang sumasaksak sa mag-ama.
Sa panayam kay Lingayen Police Station Chief of Police PLt. Amor Somine, umamin sa pagkakasala ang babae bagamat hindi na na recover ang ginamit na ice pick na panaksak.
Nahuli agad ang suspek bagamat nakalaya rin matapos magpyansa.
Samantala, napag-alaman na may pagbabanta na ang mga inirereklamo sa mag-ama at noong araw ding iyon ay minura umano ang tatay nito, na naging mitsa ng pag-aaway. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨