Away ng magkapatid dahil sa kita ng ibinentang mangga, nauwi sa pamamaril; 2 nasawi

645
REPRESENTATION IMAGE FROM PEXELS

NEGROS OCCIEDENTAL – Patay sa pamamaril ang isang mag live-in-partner sa Sitio Buli, Barangay Rizal, sa lungsod ng San Carlos noong Linggo ng gabi. Ang itinuturong suspek, mismong kapatid ng isang bitkima.

Batay sa imbestigasyon, nagtalo ang magkapatid na sina Joselito at Jose Benjie Isman bunsod umano ng kita sa pinagbentahan nilang mangga.

Tila hindi raw napigilan ng nakatatandang si Jose Benjie ang kaniyang galit kaya makailang beses niyang pinaputukan ng baril ang biktima.

Nadamay din sa pamamaril si Maricel Lumayno Alastra, ang kinakasama ni Joselito.

Narekober ng San Carlos Police sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala mula sa .45 calibre pistol.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

Facebook Comments