Away ng Magkapatid, Nauwi sa Pagpapakamatay!

San Isidro, Isabela – Nagpakamatay ang isang binatilyo matapos sitahin ng kanyang kapatid dahil umano sa pagkain bandang alas tres ng hapon sa Barangay Quezon, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mark Dela Cruz, bente dos anyos, walang asawa at residente ng naturang barangay.

Batay Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Reynaldo Junio, kasalukuyang kumakain ng pananghalian ang biktima matapos makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nang sitahin ito ng kanyang ate na magtira ng kanilang ulam.


Dinamdam umano ng biktima ang sinabi ng kanyang ate kaya’t pumasok ito sa kanyang kwarto.

Nakarinig na lamang ng dalawang putok ng baril ang mga kamag-anak ng biktima kaya’t nang kanilang buksan ang kwarto ay naliligo na sa sariling dugo ang binatilyo.

Ayon kay PSI Junio, posible umanong dahil sa paninita ng kanyang kapatid ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng binatilyo dahil wala naman umano itong sinasabing problema sa mga nakainumang barkada.

Facebook Comments