Kapwa nanawagan ngayon ang mga matataas na opisyales sa Probinsya ng Maguindanao sa lahat ng mga nagkakagiriang pamilya sa lalawigan na maging mahinahon at mag-usap .
Sa halip aniya na ang dulo ng mga baril ang gagamitin ng mga ito para magpalabas ng saloobin hinihikayat ng Provincial Government na magharap-harap sa proper venue upang mapag-usapan kung ano ang nararapat.
Ito ang panawagan nina Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki -Mangudadatu at Vice Governor Datu Lester Sinsuat kasabay na rin ng mga namumuong tensyon mula sa ibat ibang bayan na nagresulta sa paglikas ng mga sibilyan sa nakalipas na mga araw.
Kabilang sa mga tinukoy ng mga opisyales ay ang mga nangyari sa South Upi, Talitay, Datu Saudi maging sa Guindulungan area na kalimitan ay away pamilya o RIDO ang dahilan ng kagaluhan.
Nakakalungkot anilang isipin na naitaon pa ito sa panahon na may pandemya ng COVID-19.
Kaugnay nito , may direktiba na rin si Gov. Bai Mariam sa bagong buong Maguindanao Peace Monitong and Investigation Team na binubuo ng Maguindanao Cultural Affairs Office, PNP, AFP at CSO na ipagpatuloy ang pagsisikap upang tuluyang matuldukan na ang mga nagyayaring gulo sa lalawigan lalo na ang mga away pamilya.
Matatandaang noong panahon ng kampanya kabilang sa adbokasiya ng dalawang leader ay ang PURE o Peace , Unity, Reconcialation, at Empowerment.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>