PNP, naghahanda na sa pamimigay ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Package ng gobyerno

Lalahok sa dalawang araw na seminar ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bilang paghahanda sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Package.

Ang seminar na magsisimula ngayong araw at tatagal hanggang bukas ay pangungunahan ni DILG Secretary Eduardo Año.


Tatalakayin sa seminar ang magiging papel ng mga pulis sa gagawing pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo.

Matatandaang inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pangunahan ang pamimigay ng tulong pinansyal matapos na lumutang ang mga reklamo sa umano’y anomalya sa distribusyon ng pondo ng SAP ng mga Local Government Unit (LGU).

Ang 2nd tranche ng SAP ay ipamamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa National Capital Region, Region 3 maliban sa Aurora, Region 4-A, Benguet, Pangasinan, Iloilo Province, Cebu Province, Bacolod, Davao City, Albay Province, at Zamboanga City.

Facebook Comments