Awiting “Manila” sa opening ng SEA Games, nagustuhan ni Pangulong Duterte, pero Panelo, kumbinsidong hindi ito kumakatawan sa kabuuan ng Pilipinas

555

 

 

Nasiyahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa awiting “Manila” ng Hotdogs noong opening ceremony ng 30th South East ASIAN Games.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na sa katunayan, umiindak indak pa nga si Pangulong Duterte, sa saliw ng masiglang tugtugin, habang naglalabasan noon ang delegasyon ng Pilipinas.


 

Nagustuhan din aniya ito ng mga taong nanood sa opening ceremony na nagbigay ng masayang atmosphere.

 

Sa kabila nito, naniniwala si Panelo na tama naman si Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio sa paniniwalang hindi dapat ang awiting Manila ang ginamit sa opening dahil hindi ito kumakatawan sa kabuuan ng Pilipinas.

 

Kaya mungkahi ni Panelo sa mga songwriter, gumawa ng isang awitin na kakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao, at magbabanggit sa kagandahan o katangian ng mga lugar sa bansa, sa maganda ring tempo at nakaiindak.

Facebook Comments

From Advertisers