Mahigit 94 na libong halaga ng shabu nakuha sa tatlong drug suspek sa Malabon

81

 

Arestado ang tatlong drug suspek matapos na makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng 94, 180 pesos sa Brgy., Longos, Malabon City.

 

Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Michael Caliso 34 anyos, Nomelita Belnas 9 anyos  at  Librado Maravilla Jr 42 anyos.


 

 

Sa ulat ng Malabon Pasay alas 4:00 ng madaling araw kahapon ng isagawa ng Malabon City Police Station at PDEA ang buy bust operation.

 

Bago ang buy bust operation nahuli muna sa aktong nagbebenta ng droga ang dalawa sa tatlong naarestong drug suspek.

 

Narekober sa mga suspek ang kabuuang mahigit na 13 gramo ng shabu na aabot sa 94,180.

 

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 sa Malabon City Prosecutors Office.

Facebook Comments