AWOL na pulis na sangkot sa droga patay sa pamamaril sa Quezon City

*Quezon City* – Patay ang isang pulis na nag-Absence Without Leave (AWOL) matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklo sa Barangay North Fairview Quezon City.

Dead on the spot si Police Officer 1 Alfredo Tindoc, 55-anyos.

Ayon kay P/ Supt. Rossel Cejas, hepe ng QCPD station 5, bumaba sa motorsiklo ang isa sa mga salarin at nilapitan si Tindoc sa gate ng compound sa kanilang bahay at binaril.


Aniya, nakatakbo pa ang biktima pero sinundan pa rin siya at muling pinagbabaril sa harap ng kaniyang kaanak.

Kaagad na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo nang matiyak na patay na si Tindoc.

Sinabi pa ni Cejas, na posibleng may kinalaman sa droga ang motibo sa pagpatay sa biktima na dalawang ulit nang na-tokhang noong 2016.

Aniya, isa si Tindoc sa mga aktibong pulis noon sa qcpd station 6 na kasama sa drug watch list sa kanilang barangay.

Sa kabila nito, itinanggi ng pamilya ni Tindoc na sangkot ito sa droga at nag-AWOL dahil limang beses na stroke.

Facebook Comments