Tatlo sugatan sa rambulan sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlog tao kabilang ang isang menor de edad sa nangyaring rambulan sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa 14 anyos na si alyas ‘Diego’ na tinamaan ng bote ng alak sa ulo, sumiklab ang gulo nang komprontahin ni Wilson Peralta ang lasing na kapitbahay na nanghiram ng kanyang bisikleta.
Sinuntok aniya sa tagiliran si Peralta ng lasing niyang kapitbahay at doon na nagsimula ang rambol.

Sinabi naman ni Jobelle Relimbo, sinaksak siya ni Peralta dahil inakala nitong kasama niya ang kabilang grupo.


Tumagal nang anim na minuto ang rambol pero natigil din nang dumating ang mga opisyal ng barangay.

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide ang itinuturong nanaksak na si Peralta.

Facebook Comments