AWOL na Pulis NCR, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

71

*Cauayan City, Isabela*-Nasampahan na ng kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang dating AWOL na pulis na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga na nadakip sa operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang dating pulis na si Thon Vincent Polangco, 26-anyos ng Barangay Bacarreña, San Mateo na dating miyembro ng pulisya sa National Capital Region (NCR).


Ayon kay PMAJ. Jeffrey Raposas, Hepe ng PNP San Mateo, dinakip si Polangco sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Police Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office, PNP San Mateo at PDEA Region 2 kung saan narekober sa kanya ang apat na pakete ng sigarilyo na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang pakete ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.
Sa ngayon ay naiturn-over na sa Bureau of Jail Management and Penology ang suspek.
Pinuri naman ng Police Regional Office (PRO-2) ang PNP sa pagkakahuli sa dating pulis na unang naging bahagi ng PNP noong taong 2015.

Facebook Comments