Awol na pulis, pinagbabaril patay sa Villaba, Leyte

Pinagbabaril patay ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang awol na pulis sa Brgy. A, Tumamak Villaba Leyte kaninang alas 7:00 ng umaga.
Sa panayam ng RMN Tacloban kay PInsp. Ruben Resilla, Chief of Police ng Villaba Leyte, kinilala ang biktima na si Hegino Gaspay Ayoste, 52 anyos, may asawa, at residente sa Brgy. Libagong, Villaba, Leyte.
Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad, inihatid lang ng biktima ang kanyang pamangkin sa Paaralan ng tambangan ito at doon na pinagbabaril. Pitong (7) tama ng baril sa ulo at isa (1) naman sa tiyan ang nakuha ng biktima. Ayon sa mga nakakita, may dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nag aabang na sa labas ng Paaralan, hinihintay ang pagdating ng biktima.
Ayon din naman sa mga kapit-bahay ng biktima, mayroong din dalawang lalaki ang palaging sumisilip sa labas ng bahay ng biktima. Wala din naman daw silang naiisip nakaaway si Gaspay.
Sa inisyal report ng Villaba MPS, planado ang isinagawang pagpatay ng riding in tandem na suspek.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbistigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

Virus-free. www.avast.com <#DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments