AWTORIDAD, MULING IPINAALALA SA PUBLIKO ANG DEADLINE NG PAGPAPAREHISTRO NG SIM CARD

Muling ipinaalala sa publiko ang huling araw o deadline ng Sim Card Registration sa darating na July 25, ngayong taon pagkatapos ng pagextend nito ng siyamnapu’t araw pa para sa mga hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang Sim Cards.
Matatandaan na sa pinakahuling monitoring ng DICT as of July 4, 2023 ay umabot na sa 101, 772, 885 registrants na na ang nakapag-parehistro ng kanilang mga gamit na sim card o katumbas ng 60.57% sa buong bansa kung saan aniya pa malapit nang makamit ang target na 70-80% registrants na ayon sa DICT.
Ilang mga Dagupeno ay nakapagparehistro bagamat ang ilan ay hindi pa nagpaparegister dahilan ang kakulangan sa maipepresentang mga ID lalo na para sa mga estudyante.

Samantala, pagkatapos nito ay nilinaw ng ahensya na hindi na muli magkakaroon pa ng extension para sa SIM Card Registration at para sa mga hindi registered ang Sim Cards ay maaaring tuluyang madeactivate ang mga ito.
Alinsunod pa rin ang nasabing pagpaparehistro sa pinirmahang batas na RA No. 11934 na may layong maproteksyunan ang mga mobile subscribers sa bansa mula sa mga online at text scams. |ifmnews
Facebook Comments