NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION REGION 1, NAITALAGA NA ANG BAGONG REGIONAL MANAGER

Matagumpay na naitalaga ang bagong Acting Regional Manager ng National Irrigation Administration (NIA) Region I na si Engr. Danilo V. Gomez sa naganap na Turnover Ceremony kahapon araw ng Miyerkules, July 19, 2023 sa NIA Regional Office I sa lungsod ng Urdaneta.
Bago pa naging NIA Region 1 Manager si Engr. Gomez, siya ay ang Division Manager ng La Union Irrigation Management Office (IMO).
Dinaluhan ang nasabing seremonya ng mga kawani mula sa nasabing ahensya , gayundin ang ilang mga lipon ng mga magsasaka mula sa ilang bahagi ng buong Rehiyon Uno.

Ang outgoing Regional Manager naman na si Engr. Gaudencio M. De Vera ay tutungo at naitalagang mamuno bilang Regional Manager sa NIA Region V.
Ipinahayag ni Engr. De Vera ang kanyang taos pusong pasasalamat sa naging mga kasama niya sa kanyang pamamaligi sa NIA Region 1 sa loob ng higit isang taon habang mainit namang tinanggap ng NIA Officials ang bagong Regional Manager nito. |ifmnews
Facebook Comments