Full alert na ang mga istasyon ng Philippine Coast Guard dahil sa posibleng pagdaan ng Tropical Depression Ramil sa Ilocos Region.
Inalerto na ang Deployable Response Group para sa posibleng operasyon at pagresponde sa anumang emergency na maaaring sumulpot dahil sa bagyo.
Tiniyak naman na nakahanda at nasa maayos na kondisyon ang mga first aid at rescue equipments, land and water assets at communication devices para sa mabilis na aksyon.
Paalala naman sa publiko ang pagiging alerto sa abiso ng awtoridad partikular sa mga hazard prone areas upang manatiling ligtas sa kabila ng masamang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








