AYAW MAKISAWSAW | 14 na huwes, pumalag sa Red Monday Protest laban kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Ayaw makisawsaw ang labing apat na mga huwes sa
umano’y kaguluhang politika sa hudikatura sa bansa.

Ito ay matapos lumutang ang tinaguriang Red Monday Protest upang pilitin
si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na boluntaryong bumaba sa pwesto.

Sa nilagdaang pahayag ng Regional Trial Court (RTC) ng 10th Judicial
Region, iginiit ng mga huwes na kailangan nila protektahan ang Judicial
Independence mula umano sa namamayaning pamumulitika sa kinakaharap na
impeachment case ni Sereno.


Sinasabing nadismaya ang ilang mga huwes mula sa Northern Mindanao dahil
sumali ang mga personalidad sa loob ng hudikatura upang ma-pressure si
Sereno na umalis sa puwesto.

Kaugnay nito, nilinaw ni Clerk of Court at Atty. Dick Carlo Cabanlas,
bagama’t mayroong naghayag sa kanilang mga kasamahan na dapat magbitiw na
si Sereno sa puwesto subalit marami rin naman daw ang nagsasabing sila ay
neutral.

Ito ang dahilan kaya umaapela si Cabanlas na kailangang galangin ng
dalawang panig ang mga paninindigan ukol sa kinaharap na kaso ni Sereno.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments