Manila, Philippines – Hindi pa handa ang mga transport groups na ibaba ang pamasahe kahit pitong linggo nang nagkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Zeny Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) – hindi pa nakakabawi ang mga tsuper.
Aniya, mahihirapan na naman muli ang mga driver kapag tumaas muli ang halaga ng langis.
Pero sinabi ni Maranan na kapag tumuntong ng ₱39 hanggang ₱39 ang kada litro ng langis ay handa silang magbaba ng piso sa pamasahe.
Iginiit naman ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) national head Efren De Luna na hindi sila nagtaas ng pasahe kahit nagmahal ang langis.
Kung magdedesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fare rollback, dapat gawin itong provisional lamang.