IGINIIT | Relasyon ng US at Pilipinas, hindi mapapantayan ng ibang bansa – U.S. Ambassador to the PH

62

Manila, Philippines – Hindi mapapantayan ang matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay sa gitna ng gumagandang relasyon ng China at Pilipinas.

Ayon kay U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim – ang Manila ay ang pinakamatagal na kaalyado at kakampi ng Washington sa Asya.

Naniniwala si Kim na kaya ng Pilipinas na panatilihin ang malalim na relasyon nito sa Estados Unidos habang naghahanap ng oportunidad para mapalawak ang kalakalan at ekonomiya sa China.

Binigyang diin pa ni Kim na ang U.S. ay naka-marka na sa kasaysayan sa pagbibigay ng tulong sa Pilipinas.

Facebook Comments