AYUDA | 150 pamilya na nasunugan sa barangay Old Balara sa QC, tumanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan

Quezon City — Nasa 150 na pamilya na nabiktima ng sunog sa Zuzuarregui, Barangay Old Balara, Quezon City ang nakinabang sa relief operation na isinagawa ng Quezon City Social Services Development Department.

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa mga biktima ng sunog ay relief goods, sleeping mats, mga damit at nilutong pagkain mula almusal hanggang pang-hapunan.

Nagkaloob din ang SSDD ng counselling para mga traumatic fire victims.


Ayon sa Quezon City Bureau of Fire Protection, naging mabilis ang pagkalat ng sunog noong Huwebes. Dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan, nilamon ng apoy ang nasa limampung kabahayan.

Facebook Comments