Chess sa Cabagan, All Set Na!

Cabagan, Isabela – Mayroon nang mahigit 180 sa Kiddies Division at mahigit 80 sa Open Division ang nagpatala para sa 1st Mayor Topi Mamauag Chess Challenge sa Cabagan, Isabela.

Sa impormasong nakuha ng RMN Cauayan News Team kay Prof. Heherson B. Albano, Tournament Organizer ng torneo ay all set na ang naturang palaro na gaganapin bukas, Enero 21, 2018.

Dadaluhan ang opening ceremony nina Mayor Christopher Mamauag, Vice Mayor Ovie Masigan at MPDC Officer Reynold M. Gumiran.


Ang magsisilbing Tournament Manager ng torneo ay si Apolinario Agustin ng Cagayan Chess Development Club samantalang si Atty. Rosa Theresa O. Albano ang magiging Chief Arbiter.

Ang tournament venue ay sa Xentro Mall Cabagan, Isabela na matatagpuan sa national hiway ng naturang bayan.

Facebook Comments