Manila, Philippines – Nag-alok ng emergency assistance si Chinese President Xi Jinping para sa relief at rescue efforts sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Vinta.
Kasabay nito ay nagpaabot din si Xi ng pakikiramay at simpatya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng nasawi at sa tindi ng pinsalang idinulot ng bagyo.
Una rito nagpahayag din ang pamahalaan ng Japan ng kahandaang tumulong sa Pilipinas nitong Lunes.
Sabi naman ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, bibigyan ng P10,000 financial aid ang mga kaanak ng mga namatay dulot ng paghagupit ng bagyong Vinta at Urduja habang P5,000 na tulong pinansyal naman para sa mga nasugatan.
May ilalaan ring pera ang gobyerno bilang tulong sa mga nasiraan ng mga bahay dulot ng kalamidad.
Sa pinakahuling datos aabot sa mahigit 200 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang 170 pa ang nawawala.