Mga Bata, Namangha kay Santa

Tuguegarao City, Cagayan – Namangha ang mga bata sa nagpakitang Santa.

Ito ay matapos gawin ang Christmas event na Santa Meet and Greet sa SM Center Tuguegarao Downtown.

Ginanap ang naturang aktibidad noong Disyembre 25, 2017 kung saan ay marami ang natuwa di lang bata kundi mga matatanda.


Takaw pansin ang Santa Klaus sanhi ng mga makatotohanang suot at puting balbas nito na kopyang kopya sa mga napapanood at nakikita sa mga pelikula at mga larawan.

Ayon kay Princess Lou S. Lauigan, ang Public Relations Officer ng naturang establisyemento ang kasunod na event na isasagawa sa naturang mall ay sa Enero 7 ng susunod na taon.

Facebook Comments