AYUDA | DBM, tiniyak na sapat ang pondo para sa mga manggagawang maapektuhan ng shut down ng Boracay

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may sapat na pondo para ayudahan ang mga manggagawang maapektuhan ng anim na buwang pagsasara ng Boracay.

Ayon kay Diokno, bukod sa dalawang bilyong pisong calamity fund, kukuha rin aniya ang gobyerno sa iba pang funding sources.

Aniya, ang mga mawawalan ng trabaho o displaced workers ay mabibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare And Development (DSWD).


Mayroong 30,000 manggagawa sa isla kung saan 17,000 ay nagtatrabaho sa mga establisyimento tulad ng hotel, restaurant at bar.

Ang dalawang bilyong piso ay bahagi ng 19 billion peso national calamity fund sa ilalim ng 2018 national budget kung saan ang 10 bilyong piso ay ilalaan na para sa rehabilitasyon naman ng Marawi City.

Facebook Comments