Nagpalabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng P670,000 cash assistance para umayuda sa mga Pinoy sa Ottawa, Canada.
Ito ay makaraang mabiktima ang 64 na Filipinos ng tornado na tumama sa nasabing bansa noong Setyembre.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, $200 ang matatanggap ng bawat isa nating kababayan.
Sinabi naman ni Philippine Embassy in Ottawa Petronila Garcia, unang batch pa lamang ito dahil ang mabibigyan ng tulong ay yung mga nag-request ng financial aid bago ang October 31.
Pero yung mga naghain ng claims makaraan ang October 31 ay hindi pa naipoproseso sa ngayon.
Matatandaang nanalasa ang tornadoes sa Ottawa-Gatineau region noong September 21.
Walang naitalang nasawi pero nag-iwan ito nang maraming sugatan kabilang ang Filipino community.