Nagpadala na ng team ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang alalayan at tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Northern Marianas na apektado ng Typhoon Yutu (Rosita) na nanalasa sa nasabing lugar nitong mga nakalipas na araw.
Ayon sa DFA nasa Saipan na ang two-man team mula sa Philippine Consulate General sa Agana para magpaabot ng relief assistance sa ating mga kababayan
Sinabi naman ni Consul General Marciano de Borja na maliban sa pamamahagi ng cash assistance titignan din at i-a-assess ang kondisyon ng sa Saipan.
Sa inisyal na impormasyon may ilan kasing mga Pinoy ang napaulat na nawalan o nawasak ang kanilang mga tahanan dahil sa pananalasa ng bagyo.
Ang ilan din sa mga ito ay wala na halos makain at mainom na tubig dahil sarado ang mga establisyemento.
Sa pagtaya ng ahensya mayroong 15,000 myembro ng Filipino community sa Saipan, ang pinakamalaking isla sa Northern Marianas.