AYUDA | DFA tiniyak ang tulong sa nasawing Pinoy sa Thailand

29

Hawak na ng mga otoridad ang suspek sa hit-and-run accident sa Thailand na ikinasawi ng isang Pinoy.

Sa impormasyon mula kay Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon nasawi ang Filipino cyclist na si Russel Perez habang dinadala sa ospital makaraang magtamo ng injuries sa ibat-ibang bahagi ng katawan matapos mahagip ng minamanehong sasakyan ni Chutiphan Buddawieng habang lumalahok sa Randonneurs Thailand cycling event sa Bangkok nitong October 23.

Ipinagharap na ang suspek ng reckless driving causing death and damage at use of illegal drugs.

Ayon kay Ambassador Aragon nagpaabot na ang embahada ng tulong sa naulilang pamilya ng biktima.

Tiniyak din nitong tutulong sa pag-repatriate sa mga labi ni Perez pabalik ng bansa sa Biyernes ng umaga.

Samantala, sinabi din nitong tututukan ng embahada ang kaso ng ating kababayan hanggang sa mapanagot ng tuluyan ang suspek.

Facebook Comments