PANSAMANTALA | BOC, inilagay sa pamamahala ng AFP

206

Manila, Philippines – Pansamantalang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangangalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa Pangulo, nasa floating status pa rin ngayon ang lahat ng empleyado ng BOC at required na mag-report direkta sa Office of the President.

Aniya, pinalitan niya ang mga tao ng BOC mula sa militar habang nireresolba pa ang problema sa ahensya partikular ang korapsyon.

Giit ng Pangulo, ang naturang desisyon ay bahagi ng kanyang pagdedeklara ng state of lawlessness sa bansa taong 2016.

Facebook Comments