AYUDA | Halaga ng relief assistance na naipaabot sa mga naapektuhan ni Rosita, umabot na sa halos P5-M – DSWD

Pumalo na sa ₱4.9 million na halaga ng relief assistance mula sa Local Government Units (LGUs) at Non-Government Organizations (NGOs) ang naipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rosita.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista – naka-pwesto pa rin sa mga lugar na nasalanta ng bagyo ang mga disaster team ng ahensya.

Sa huling datos, aabot sa 36,600 na pamilya o halos 137,000 na indibidwal mula sa 1,143 na barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Eastern Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo.


Aabot naman sa halos 500 evacuation centers ang nagbigay ng temporary shelter sa halos 13,000 pamilya o katumbas ng higit 49,000 indibidwal.

Facebook Comments