BUMISITA | VP Robredo, dumalaw sa puntod ng asawang si Jesse Robredo

77

Umuwi si Vice President Leni Robredo sa kanyang hometown sa Naga City para bisitahin ang puntod ng kanyang namayapang asawa na si dating DILG Secretary Jesse Robredo.

Kasama ni VP Robredo ang kanyang panganay na si Aika.

Sa ika-anim na taon, ginunita muli ni VP Leni ang kamatayan ang kanyang asawa.

Maaalalang nasawi sa isang plane crash si Jesse sa Masbate noong August 18, 2012.

Ang mga labi ng dating kalihim ng DILG ay nakalagak sa Eternal Gardens Memorial Park.

Facebook Comments