AYUDA | LIMANG KOOPERATIBA, TUTULONG SA MGA APEKTADO NG PAGSASARA NG BORACAY

Boracay – Magkakaloob ng tulong ang limang kooperatiba sa Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng closure ng Boracay sa Aklan.

Nakapaloob ito sa 39 milyong pisong pondo ng
Agricultural Credit Policy Council (ACPC) ng Department of Agriculture sa mga kooperatiba sa Aklan na kilalang credit conduits para sa Production Loan Easy Access program.

Sinabi ni Alice Ilaga, ACPC Director for Innovative Financing Scheme, binigyan ng tig 10-million Pesos pautang na pondo ang Libacao Development Cooperative , Lezo Multi Purpose Cooperative ,at SANDONA Development Cooperative ,habang 5-million Pesos naman sa Ibon Multipurpose , at 4-million Pesos sa Madalag Multipurpose Cooperative.


Walang kolateral at mababa lang ang interest loan na ibinigay sa tinaguriang food producers sa lalawigan .

Pinoproseso na ngayon para mapabilis ang release ng pautang sa mga qualified farmers at fisherfolk sa lalawigan.
Tinatayang 1,000 magsasaka at mangingisda aa Aklan ang unang matutulungan ng programa

Facebook Comments